ハンバーガーメニュー
Nilalaman ng negosyo |
1. Negosyo sa non-life insurance. Underwriting ng insurance at pamamahala ng mga ari-arian 2. Agent sa operasyon at gumaganap bilang agent sa gawain sa negosyo sa non-life insurance at life insurance 3. Gawain sa pamamahala ng operasyon ng Defined Contribution Pension Plan 4. Gawain sa pag-outsource ng negosyo sa Automobile Liability Compensation |
---|---|
Industriya |
Finance |
Laki ng negosyo |
2001 katao ~ |
Saklaw ng implementasyon |
2001 katao ~ |
Nais namin lumikha ng sistema para komprehensibong maunawaan at mapabuti ang sitwasyon ng organisasyon
Para sa pagpapataas ng engagement, nais namin linawin ang mga problema sa organisasyon na dapat unang pagtuonan ng pansin at pataasin ang pagiging epektibo ng mga pagsisikap
Nais namin humiwalay sa mga umiiral na survey sa kamalayan ng mga empleyado, na kumplikado at manu-mano
Sa pagsukat ng parehong Antas ng Inaasahan at Antas ng Pagiging Kuntento, naging malinaw ang mga problema na dapat unang pagtuonan ng pansin
Mabilis napaikot ang PDS cycle para sa pagpapabuti ng organisasyon
“Detalye ng negosyo”
Ginoong Moriyama:
Ang Tokio Marine & Nichido Fire Insurance na nagsimula bilang “Tokio Marine Insurance” ay itinatag noong 1879 at ang pinakaunang insurance company sa Japan. Ngayon ito ang pinakamalaking non-life insurance company sa Japan, na may higit sa 200 base sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, bilang karagdagan sa non-life insurance para sa mga indibidwal at korporasyon, ang kumpanya ay malawak na nag-expand ng negosyo, mula sa negosyo ng custom-made risk consulting hanggang sa paggawa ng collaborative business sa mga client company gamit ang mga asset ng aming kumpanya.
“Dahilan ng implementasyon ng Motivation Cloud”
Ginoong Moriyama:
Matagal nang kinikilala ng aming kumpanya ang mahalagang keyword na “Engagement” sa relasyon ng organisasyon at mga empleyado. Ito ay dahil may kumpyansa ako na sa pagpapatakbo ng “negosyo sa insurance”, kung saan nagha-handle ng mga intangible na produkto, ang sumusuporta sa negosyo sa huli ay ang mga “tao”, at ang satispaksyon sa trabaho ng bawat empleyado ay direktang nauugnay sa productivity at sustenableng paglago ng kumpanya.
Habang nagbabago ang merkado sa paggawa at dumadami ang empleyadong may iba’t ibang sense of value, at pati na rin ang pagsusulong ng remote work dahil sa pandemya ng COVID-19, nagiging mas mahirap ang pamamahala sa lugar ng trabaho.
Para sa pagpapataas ng engagement, napagpasyahan namin na mag-implement ng Motivation Cloud dahil naramdaman namin na kailangan ng sistema para mas komprehensibong maunawaan at mapabuti ang kalagayan ng organisasyon, sa halip na umasa sa kakayahan at karanasan ng mga indibidwal na manager.
Maraming taon na kaming nagsasagawa ng survey sa kamalayan ng mga empleyado, ngunit sa totoo lang, mahirap malaman kung ano at gaano magtatrabaho para harapin ang mga problema na nakita roon.
Nang dahil sa Motivation Cloud, ang mga problema sa organisasyon at mga item na dapat mapabuti ay malinaw na naipapakita kasama ng siyentipikong ebidensya. Ang pag-alam ng bawat item sa pamamagitan ng dalawang axis na Antas ng Inaasahan at Antas ng Pagiging Kuntento ng mga empleyado ay nagbibigay ng bagong pananaw at makatwiran sa amin, na naging salik sa pagpapasya ng implementasyon nito.
“Ang halaga ng Motivation Cloud”
Ginoong Moriyama:
Nakumbinsi kami na ang hypothesis namin dati sa organisasyon ay tama. Higit pa rito, nagkaroon kami ng mga bagong reyalisasyon.
Halimbawa, kaya nalaman namin na mababa ang mga item na may hypothesis kami na “posibleng ito ang problema” ay sa katunayan mababa ang Antas ng Inaasahan ng mga empleyado, kaya mababa ang prayoridad na lutasin ang mga ito. Alam namin ito dahil sinusukat ng Motivation Cloud ang parehong Antas ng Inaasahan at Antas ng Pagiging Kuntento. Nais namin magpatuloy sa pag-iipon ng datos para pataasin ang katumpakan ng pagsusuri.
Bukod pa rito, ang pagkuha ng datos hindi lamang sa trend values ng pangkalahatang kumpanya, kundi pati sa iba’t ibang segmento tulad ng herarkiya, departamento, kasarian at iba pa ay isa sa mga bentahe ng Motivation Cloud. Halimbawa, madaling suriin ang trend ng bawat segmento, tulad ng pagtingin mula sa pananaw na pagsulong ng mga aktibidad para sa mga kababaihan.
Binibining Ishizaka:
Ako ang nangangasiwa sa survey sa kamalayan ng mga empleyado na isinagawa dati, kaya malinaw kong nakita ang pagkakaiba ng dating survey at ng Motivation Cloud. Una, ang dating survey ay sariling sistema ng kumpanya, kaya marami itong kumplikado at manu-manong trabaho, at kinailangan ng maraming oras para malahad ang mga resulta sa flontline. Ang Motivation Cloud ay madaling gamitin at lalabas kaagad ang mga resulta pagkatapos ng survey. Malaki ang pinagbago sa bilis at oras ng pagtatrabaho na ginugugol para dito.
Bukod pa rito, sinusukat lamang ng dating survey ang Antas ng Pagiging Kuntento, kaya mahirap makita ang mga problema na dapat tutukan. Subalit, pinapakita ng Motivation Cloud ang mga resulta sa dalawang axis na Inaasahan at Pagiging kuntento, naging mas madaling unawain ito.
At higit sa lahat, sa tingin ko madaling gamitin ang function ng Focus Survey (*Survey tungkol sa mga partikular na item sa pagpapabuti na isasagawa buwan-buwan o linggo-linggo). Kung aling problema ang tinutukan ng bawat departamento, kung paano nilulutas, at ang pagka-epektibo nito ay maaaring i-visualize, at kami sa human resources ay nakikita na rin ito sa real-time.Napakadaling gamitin ng function na ito para sa amin din sa human resources.
“Mga bagay na nais maisakatuparan sa hinaharap gamit ang Motivation Cloud”
Ginoong Moriyama:
Para sa implementasyon ng Motivation Cloud ngayon, ipinaliwanag ng Link and Motivation ang survey sa board of directors ng aming kumpanya. Masasabi ko na pati ang management team ay mataas ang inaasahan sa pagsisikap na ito.
Binibigyang-halaga ng management team ang pagtaas ng engagement, at ipinapahayag sa buong kumpanya ng top management kung ano ang sinusubukang maisakatuparan sa pamamagitan ng survey na ito, at ibinabahagi ang kanilang mga pananaw.
Kami sa human resources ay nagbabalak tumugon sa mga kinakailangan sa flontline, hindi sa pamamagitan ng basta- bastang pagsasagawa ng survey, kundi sa pagsasaalang-alang na mahalaga higit sa lahat na ang bawat empleyado ay may motibasyon kahit sa bagong paraan ng pagtatrabaho sa hinaharap.
Ginoong Matsuo:
Sa palagay ko, ang malaking kalakasan ng Motivation Cloud ay maaaring magkaroon ng karaniwang kamalayan sa mga problema ang human resources, mga manager sa flontline, at mga miyembro. Sa palagay ko, ang atmospera sa loob ng kumpanya ay nagbago dahil sa pagsasagawa ng survey na ito, at naging malinaw ang mga problema sa organisasyon sa bawat departamento.
Mula ngayon, magiging mahalaga kung ano at kung paano babaguhin ang mga problema. Bilang human resources, gagamitin namin ang Motivation Cloud bilang mabisang tool para sa pakikipag-usap flontline
Ginoong Moriyama:
Sa palagay ko, ang hamon ay hindi dapat tapusin ang survey nang isang beses lamang, kundi ang iikutin nang maayos ng PDS cycle para sa pagpapabuti ng organisasyon bilang sustenableng pagsisikap, at patataasin ng engagement. Sa kasalukuyan, nagsasagawa kami ng mga hakbang para tugunan ang mga problema sa organisasyon, at sa susunod na survey, tatanggapin namin ang mga resulta nito at patuloy na magsisikap para maging isang mabuting kumpanya.
*Ang Tokio Marine & Nichido Fire Insurance Co., Ltd. ay ginawaran ng 2nd place sa kategorya na “Best Motivation Company Award 2021” sa malalaking kumpanya na idinaos ng Link and Motivation.
Copyright© 2018-2023 Link and Motivation Inc. All Rights Reserved