Nilulutas ng Motivation Cloud
ang mga problema sa organisasyon sa pamamagitan ng sikulo ng "Diagnosis" at "Transpormasyon"

Transpormasyon
  • Paggabay na suporta mula sa mga consultant
  • Pagsukat ng pag-usad ng mga pagpapabuti gamit ang mga Pulse Survey
  • Pagbabahagi ng mga kaalaman at case study sa pamamagitan ng mga seminar at video
diagnosis and transformation cycle
Diagnosis
  • Pag-visualize ng kalagayan ng organisasyon sa pamamagitan ng 20-minutong simpleng survey
  • Sa paghahambing ng peer sa pamamagitan ng higit sa 10,000 mga naka-benchmark na database
  • Pag-survey gamit ang 2 axis: Inaasahan at Pagiging kuntento

Diagnosis

Sa 20-minutong simpleng survey,makikita agad ang kalagayan ng organisasyon

Sa Motivation Cloud, magagawa niyong i-visualize at i-quantify ang engagement level ng mga empleyado sa pamamagitan lang ng pagsagot sa 20-minutong simpleng survey.
Ang 'Engagement Score' ay isang unified indicator ng mga organisasyon na may track record na sumasaklaw sa 12,190 kompanya at 4.76 milyong tao. Mabibigyang liwanag rin ang mga problema sa organisasyon sa pamamagitan ng survey na may 2 axis: Inaasahan at Pagiging kuntento.
Simple 15-minute survey
Engagement Score

Maunawaan ang inyong organisasyon gamit ang data mula sa 11,890 na kompanya at 44.2 milyong tao

Sa pamamagitan ng 'Engagement Score', na nag-vi-visualize at nag-qu-quantify ng engagement gamit ang mga survey, mauunawaan mo agad ang kalagayan ng inyong organisasyon.
Expectations and Satisfaction levels

Maliliwanagan ang kahinaan ng inyong organisasyon gamit ang “Inaasahan” at "Pagiging kuntento"

Sa Motivation Cloud, nagsasagawa ng survey gamit ang "Inaasahan" at "Pagiging kuntento". Ang mga resulta nito ay mina-map at makikita agad sa isang tingin. Lilitaw bilang kahinaan ng kompanya ang mga item kung saan mataas ang antas ng inaasahan ngunit mababa ang pagkakunento

Maisasagawa ang tamang pagtakda ng mga problema ng organisasyon dahil sa mga peer comparison, paghahambing ng mga item, paghahambing ng mga grupo, at ang paghahambing sa mga nakalipas na taon

Sa Motivation Cloud, magagawa niyong masuri ang organisasyon sa iba't ibang anggulo tulad ng paghahambing sa ibang kompanya, paghahambing ng mga item, paghahambing ng mga grupo, atbp.
Bukod pa rito, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng cross analysis na pinagsama-sama ang bawat elemento, mas detalyadong pagsusuri ng organisasyon ang magagawa. Sa pamamagitan ng pagsusuri ng kalagayan ng organisasyon, mauunawaan niyo ang tunay na kalagayan ng bawat organisasyon at malinaw na matutukoy ang mga problema ng organisasyon na kailangang pagbutihin para makakuha ng mga resulta.
comparisons with other companies

Maaaring magsasagawa ng pagsusuri gamit ang iba't ibang elemento tulad ng paghahambing sa ibang kompanya, paghahambing sa bawat item, at paghahambing sa mga attribute
Bukod pa rito, magagawa rin ang cross analysis na pinagsama-sama ang bawat elemento

With other firms
Sa ibang mga kumpanya
By items
Sa pamamagitan ng mga item
comparisons with other companies
Sa pamamagitan ng mga katangian

Transpormasyon

Magkaroon ng kaalaman tungkol sa organizational transformation
Payo mula sa mga eksperto

Pagkatapos ng pag-uunawa at pagsusuri ng kalagayan ng organisasyon, itatakda ang mga target na numero at mga bagay na dapat pagbutihin sa buong kompanya at sa bawat departamento. Gamit ang kaalaman sa reproducible at epektibong organizational transformation, na pinag-ibayo sa loob ng 20 taon mula nang itayo ang kompanya, magagawa niyong maintindihan ang resulta ng survey ng inyong sariling kompanya at magtakda ng mga layunin o bagay na pagbubutihin sa inyong kompanya.
Bukod pa rito, sa tulong ng aming mga consultant na may napatunayang karanasan sa transpormasyon ng maraming kliyente, matututo kayo ng mga kaalaman sa organizational transformation at magkakaroon ng kakayahang sariling isagawa ang organizational transformation ng inyong kompanya.

Advisory by experts
Improvement_document

Gamit ang aming napatunayang kaalaman sa organizational transformation,
magagawa niyong bigyang-kahulugan ang mga resulta ng survey at magsagawa ng mga angkop na pagpapasiya

Ang mga layunin na dapat itakda ay nakabatay sa mga kalagayan ng negosyo o organisasyon.
Gamit ang aming napatunayang kaalaman sa organizational transformation, magagawa ninyong bigyang-kahulugan ang mga survey at magtakda ng mga layuning pinakaangkop sa inyong kompanya.
Get organizational change insights from experts

Sa payo ng mga consultant,
magkakaroon ng mga kaalaman sa organizational transformation

Matututunan ninyong gamitin ang inyong kaalaman tungkol sa organizational transformation sa pamamagitan ng pagbibigay-payo ng mga konsultant na mayroong napatunayang karanasan sa organizational transformation.

Vine-visualize ang pagbabago ng organisasyonsa pamamagitan ng
Pulse Survey

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Pulse Survey para sa mga dapat pagbutihing bagay na natukoy mula sa pagsusuri ng kalagayan ng organisasyon, mauunawaan ang pagka-epektibo ng action plan
sa maiksihang panahon, buwanan man o lingguhan.
Pulse Survey

Madaling gamitin kahit ng mga empleyado sa operations

Pulse Survey
comparisons with other companies
Pagkatapos isagawa ang survey (inaabot lamang ng 1 minuto ang pagsagot) na nakatutok sa mga bagay na kailangang pagbutihin, agad na ipapakita ang mga resulta sa simpleng disenyo.
Makikita sa isang tingin ang mga dapat gawin ng mga operations manager at mga empleyado nito.

Mga Hakbang Pagkatapos ng Pakikipagkontrata para sa Serbisyo

1. Paghahanda sa implementasyon

Panatag na pagsisimula dahil sa maayos na onboarding

Sa pagsisimula ng Motivation Cloud operations, maingat naming ipapaliwanag sa mga operations staff at mga manager ang mga susunod na hakbang, panuntunan sa operasyon, at mga pamamaraan ng design sa pamamagitan ng consultation meeting. Maagap kaming magbibigay ng suporta upang matiyak ang maayos na operasyon.
Prepare for introduction

2.Pagsasagawa ng Survey

Mauunawaan ang kalagayan ng organisasyon mula sa 20-minutong survey

Papasagutin namin ang lahat ng 132 na katanungan para sa komprehensibong pag-unawa sa kalagayan ng organisasyon. Ang pagsagot ay tumatagal lamang ng 20 minuto, at ang screen ay awtomatikong lilipat sa susunod na tanong sa isang tap lamang, kaya't hindi ito magiging pabigat sa mga empleyado sa operations.
Conduct survey

3. Pagbabahagi ng mga resulta at Pagtatakda ng mga layunin

Ang mga consultant ay patuloy niyong kasama, at bibigyan kayo ng suporta sa pagbabahagi ng mga resulta at pagtatakda ng mga layunin

Ang aming mga consultant na may napatunayang karanasan ay magbibigay ng suporta sa pamamagitan ng pagbibigay-ulat ng mga resulta ng survey analysis at pagbuo ng mga bagay na
Set improvement goals

4. Pag-monitor ng pag-usad

Pagsusulong ng pagpapatupad ng organizational transformation sa pamamagitan ng mga Pulse Survey

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga Pulse Survey para sa mga dapat pagbutihing bagay na natukoy mula sa pagsusuri ng kalagayan ng organisasyon, buwanan o lingguhang makikita ang pagka-epektibo ng action plan.

* Uulitin ang 2 hanggang 4 mula ika-2 linggo pataas
Manage Progress

Tungkol sa saklaw ng implementasyon

Ilang empleyado ang kinakailangan para magamit ang serbisyo?

Ang aming serbisyo ay ginagamit ng iba't ibang laki ng kompanya, mula sa mga may 10 empleyado pababa hanggang sa mga may higit sa 10,000 empleyado.

 

Tungkol sa bayad

Magkano ang bayad sa serbisyo?

Nag-iiba ang presyo depende sa bilang ng gagamit ng tao at sa uri ng plan na gagamitin, kaya mangyaring makipag-ugnayan muna sa amin.

Tungkol sa sistema ng suporta

May suporta ba pagkatapos ng implementasyon?

Nagbibigay kami ng suporta gaya ng survey implementation design at mga detalyadong rekomendasyon para sa pagpapabuti, sa tulong ng mga consultant na may malawak na karanasan sa paggabay sa organizational transformation.

Tungkol sa magiging epekto sa operations

Hindi kaya magdudulot ito ng karagdagang trabaho sa operations kapag ipinatupad?

Ang pagsagot ng survey ay isinasagawa isang beses kada kalahating taon at natatapos sa loob ng 15 - 20 minuto.

Idinisenyo ito upang maging madaling sagutin sa iba't ibang device kaya't hindi ito magiging dagdag na trabaho sa empleyado sa operations.

Tungkol sa mga detalye ng survey

Gaano katagal mula pagsagot ng survey hanggang sa paggamit ng mga resulta nito?

Real-time na kinakalkula ang resulta matapos ang pagsagot ng survey, kaya agad ding magagamit ang mga resulta nito.

Anong mga wika ang suportado sa pagsagot ng survey?

Ang pagsagot ng survey ay sinusuportahan ang 13 wika.

Japanese, English, Chinese (Traditional at Simplified), Korean, German, French, Spanish, Portuguese, Indonesian, Vietnamese, Thai, Malaysian, Tagalog

Maaari ba kaming magdagdag ng sarili naming mga tanong?

YOo. Malaya niyong mai-se-set up ang sarili niyong mga tanong, at makatanggap ng quantitative at qualitative na mga sagot.

Pagkakaiba sa mga kasalukuyang survey

Kung nag-i-implement na kami ng mga survey tulad ng survey sa pagakakuntento ng empleyado, kailangan pa ba namin ng Motivation Cloud?

Ang Motivation Cloud ay ang tanging serbisyo na hindi lamang mabibilang at mailarawan (SEE) ang mga kondisyon ng organisasyon sa pamamagitan ng pagsusuri gamit ang pinakamalaking klase ng data ng organisasyon sa Japan mula sa 10,060 kumpanya at 3.12 milyong empleyado, ngunit sinusuportahan din ang kasunod na pagtatakda ng layunin (PLAN) at mga hakbang sa pagpapabuti (DO) .